nakatikim ka na ba ng pukingkay? naranasan mo na bang mapaliguan ng tubig na puno ng kitikite? anong gagawin mo pag nalaman mong anak ka pala ng isang anghel?
noong unang panahon taong milnobesyentos ochenta'y uno sa ganito ring petsa.. sa isang liblib na lugar sa squater, may ipinanganak na batang babae na uuuuuuuubbboood ng (kayo na bahala mag-isip).. at sa kanyang yumi at ganda dayuhan ay naHELENA, o bayan ko nasadlak sa dusa..hahaha haizt! corny ko grabe^^
siguro may mangilan-ngilan na rin sa mga kablog ko na alam nilang magkapatid kame.. at habang nagkakagulo ngayon ang mga taong bayan dahil sa con-ass, sa botohan at swineflu, kame naman ay abala sa paglamon dahil sa pagdiriwang ng aming kaarawan..YEAH! long live america!
nagsimula ang lahat nung pilitin nya kong ilipat ko nlang dito sa blogspot yung mga basura kong pablog-blog sa fs and multiply..ganyan naman yan, mahilig magshare ng mga nadiscover at ideas nya^^ hindi ko nga alam kung pano siya TUMANDANG... este lumaking timid?samantalang dati nung bata kame sobrang bully yan:) iba-ibang kwento ang nagagawa nya lalo na pag-hindi ka nya mapatulog, kasama na dun ang pananakot..
"sshhhh..narinig mo?! may naglalakad na tikbalang sa bubong!!!"
pero ngayon?! hindi mo siya mapapa-order sa kahit na saang kainan, wala rin siyang lakas ng loob na tawagin o batiin yung mga kakilala nyang napapadaan..(pwera lang pag na-unahan na syang batiin)
HELENA: uy, si raisa yung classmate ko nung bio.. ganda no?
ako: san? but di mo tawagin?
HELENA: e, yaan mo na.. nakakahiya!
wag mo tignan baka tumingin dito!
kung hindi mo siya masyadong kilala dahil sa sobrang mahiyain nya, iisipin mo talaga na baka may saltik siya..pero wag ka, pag kayo-kayo nalang kaya ka nyang patawanin na tipong gugulong ko kahit sa pader ng bahay nyo:)
*******************
eksena nung bata pa ko..hindi ko matandaan kung ilan taon kame
ako: ayy, te ano yan..enge ako!
HELENA: dun kay lola, nagluluto siya..
ako: ano ba yan? patikim lang..
HELENA: PUKINGKAY! hingi ka dun kay lola!
*nasa kusina si lola..sigaw naman ako*
ako: LAAA???!! ENGENG PUKINGKAY????
bukod sa magkabirthday kame at pareho kame ng sign, hindi ko na alam kung ano pa ang ibang reasons kung bakit masyado kaming close.. ayon nga sa astrology chuva, ka compatible ng gemini ang kapwa nya gemini.. siguro totoo yan, dahil apat kameng magkakapatid.. malapit naman kaming lahat sa isat'isa pero mas close kame(baka itanggi nya dito^^) peborit namin magsamahan sa lahat ng lakad, pag mag-gogrocery, maglalaba o kahit magluluto lang siya ng champorado kelangan samahan ko siya:)
panganay siya bunso ako.. pero paniwalang paniwala ako dati na kambal kame, pero naisip ko nga rin nung tumagal kung bakit mas matanda siya sakin (kelangan ko ba sabihin kung ilan taon tanda nya sakin?? wag na, bubugbugin ako nyan!) at dahil nga panganay siya, siya ang taga alaga, tagabantay, tagapaligo at tagapagpatulog samin dati.. at ngayon ay full time nanay na namin siya..pag umaalis pa si papa ng bansa, nagiging nanay at tatay na siya! hardcore!
**********************
kabado na si helena dahil paparating na ang mama nya at ng-lilimahid pa sa dumin ang pangatlo nyang kapatid.. agad-agad nya tong tinawag sa labas para mapaliguan, kumuha nlang ng tubig sa isang drum na hindi nya alam kung kelan pa yun naka-tengga dun.. nagpasalamat siya at meron pang natitirang tubig para sa kapatid..ilan sandali pa ay preskong-presko na ang kapatid nya, ngunit ng suklayin nya ang buhok nito.. dun nya napansin ang libo-libong kitikiti na gumagapang sa buhok ng kapatid... (haizt! okay na sana e, tsk tsk)
ahahaha.. nung kinukwento nya yung sa kitikiti, hindi daw nya alam kung anong gagawin nya nun pero nabanlawan din daw nya agad:)
nung bata ko tinatawag nya kong buttercup kc naging peborit namin yung kantang buttercup.. mahilig talaga siya mag imbento ng nicknames kaya after ng buttercup naging baby bench ako... tapos yung last bunso-san! si yuna nga yung isa naming aso may bago siya nickname ngayon..'minerba' layo no?! pero bago yan naging 'yunababe' muna, 'yunachinks', yunabekong, 'yunachinggay' at 'yunabechenks' ewan ko kung bakit..tanungin nyo nlang siya^^
kwento ng papa namin dati nung pinanganak yung pangalawa kong ate.. gusto daw yun ipatapon ni HELENA sa may kabilang lote dahil daw ang pangit ng ulo puro ugat, mahilig siya sa nips nung bata siya.. sa sobrang biba pa nga e naging salutatorian nung kinder..oha! san ka pa?! ahahaha.. at nung sumakit daw yung ngipin nya dahil sa nips, hindi alam ng papa namin kung anong gagawin sa kanya kaya inaway nya.."anong klase kang papa! hindi mo kaya gamutin ngipin ng anak mo!!"
**********************
madalas tumamabay dati sa bintana ng kusina nila si HELENA kasama ang pangalawa nyang kapatid.. madalas nilang tanawin dun sa malayo ang kina-iinggitan at tinatawag nilang bahay ng mayaman.. nung minsan pumunta sila sa bintana habang malapit ng bumaba ang araw, hindi alam ni HELENA kung ano ang pumasok sa isipin nya..
HELENA: alam mo bang hindi ka anak nila mama at papa? gusto mo malaman kung sino magulang mo?
ate 2: talaga? sino te?
*tumuro si helena sa langit at kahit wala naman nakikita*
HELENA: ayan o! nakikita mo ba sila? anak ka talaga ng angel..
ate 2: talaga te? oo nga *kumaway din sa langit kahit wala rin nakikita*
HELENA: malapit kna nila kunin..
***********************
kaya hindi ako nagtaka kung bakit nahiligan ni ate magblog.. dati nga nung highshool siya meron siyang kina-iingat ingatang notebook.. andun lahat ng mga sariling kwento nya na may kasama pang drawing nya^^
pero pansin nyo naman halos lahat kame dati e nagawan nya ng kagaguhan..ahahahah
siya ang nanay at tatay namin.. ate, barkada at bespren
"ang gusto ko lang naman mangyari yung kahit san kayo mapunta, sa dubai man o kahit saan! hindi ako mag aalala sa inyo dahil mapagkakatiwalaan ko kayo"
sinasabi nya yan pagnanenermon..hihihi
"i'll always be here.. just two pillows away"
sinabi nya nung first time ko mabroken hearted^^
"Basta love ko yan... at alam nya
yun. Just think 'bout this.... Everyone
may turn his back on you...even your
own parents will let you down when you least expect it
but i will never..ever..do that..why??
coz your my life>_<
first comment nya yan sa fs ko:)
aaww..drama^^
HAPPY HAPPY BERTDAY HELENA_CHUPEKA!!
ailabyu..mwahmwah
current mood: